Pasilidad sa paggawa ng car plates, pinasinayaan na

(Eagle News) — Pinasinayaan na ng Department of Transportation (DOTr) ang sarili nitong manufacturing facility ng plaka para mapabilis ang paglalabas ng vehicle plate numbers.

Ayon sa DoTr, ang nasabing pasilidad ay nasa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) na maaaring makagawa ng 22,000 plaka kada araw sa full operation nito.

Pitong manual embossing machines ang pinasinayaan na ayon sa DoTr. Calibrated at fully operational na ang mga ito.

Ang automated embossing unit naman ay inaasahang darating sa Hulyo ng taong ito.

https://youtu.be/nY-LuSrosFI