#Pasyalan: Chocolate Hills ng Bohol

(Eagle News) — Kung ikaw ay magagawi at mapapasyal sa lalawigan ng Bohol, isa sa hindi dapat na mamissed na makita at mapuntahan ay ang Chocolate Hills.

Dahil kahit ang lokal na pamahalaan ng Bohol, ipinagmamalaki ito bilang kanilang sikat na tourist attraction—dahil kasama ang Chocolate Hills sa kanilang provincial flag at seal.

At sa halagang Php 50.00 para sa entrance, ay sulit na sulit ang iyong punta dahil mapapalibutan ka may isang libo at pitungdaang (1,700) ng mga luntiang burol.

Ang berdeng damo na nasa burol ay nagiging brown kapag panahon ng tag-init, kaya’t tinatawag itong chocolate hills.

Mas ma-eenjoy mong makita ang kabuuan ng lugar sa aakyating hagdan na may dalawandaan at labing-apat (214) na baitang.

Hindi naman dapat mag-alala dahil may lugar na pwedeng huminto at pansamantalang sumilong.
At kapag nakarating ka na sa tuktok ay doon makikita ang ganda ng tanawin at malakas na simoy ng hangin.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na iba’t-ibang nasyonalidad ang nagtutungo sa lugar para makita ang nakakamanghang Chocolate Hills. (Eagle News Cess Alvarez)

Related Post

This website uses cookies.