#Pasyalan: Hinagdanan Cave ng Bohol

(Eagle News) — Isa pa sa dinarayo sa lalawigan ng Bohol ay ang Hinagdanan Cave na nasa munisipalidad ng Dauis.

Isa itong lugar, kung saan maaaring makita ang ganda ng kuweba at lumangoy sa isang malinis na lagoon.
Bago ka makapasok sa lugar, kinakailangang lumusot sa isang makitid na butas at bababa sa hagdan ng solo.

Pero dapat mag-ingat dahil madulas at mamasa-masa o may moist ang daanan.

Masisiyasahan ka naman sa loob ng kuwerba dahil sa napapaligiran ito ng stalactite at stalagmite formation.

Ang fresh water lagoon naman ay may lalim na sampu hanggang labindalawang metro, kung saan nag-eenjoy mag-swimming ang mga local pati ang mga turista.

At ang entrance fee sa lugar ay napakamura lamang. Bukod sa entrance fee ay may kaukulang bayad din kung nais namang mag-swimming.

Isama na ang iyong buong pamilya o barkada, dahil tiyak din na maeenjoy ninyo ang nature feels ng lugar na tiyak na makapagtatanggal ng inyong stress. (with a report from Cess Alvarez)

Related Post

This website uses cookies.