Patrol base ng CAFGU inatake ng NPA; 1 patay, 2 sugatan

(Eagle NewS) — Isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang nasawi, habang sugatan ang dalawang iba pa, matapos atakihin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang Ag-Agama Active Auxiliary Base ng CAFGU sa Barangay Western Uma sa Lubuagan, Kalinga.

Nasawi sa pag-atake ang detachment commander ng CAFGU, habang dalawang civilian volunteers naman ang nasugatan.

Nasawi rin ang isang miyembro ng NPA dahil sa insidente.

Ayon kay Philippine Army 503rd Brigade Commander, Colonel Henry Doyaoen, tinatayang nasa 50 hanggang 70 mga rebelde ang umatake sa base ng CAFGU kung saang 20 lamang ang kasalukuyang nasa lugar.

Sa pagpapatuloy ng pagtugis ng mga sundalo sa mga nakatakas na miyembro ng NPA ay nananatiling naka-heightened alert ang militar upang matiyak ang seguridad sa kani-kanilang mga nasasakupan ngayong holiday season.