BONGABONG, Oriental Mindoro (Eagle News) — Isang pawikan ang aksidenteng nahuli sa Oriental Mindoro kamakailan.
Ayon kay Ariel Robledo na isang mangingisda sa Barangay Labasan, Bongabong, naghulog siya at ang kaniyang mga kasama ng talapira—-isang uri ng lambat—sa dagat.
Nang hilahin nila ito sa tabi ay nakita nila ang pawikan na napasama sa kanilang mga nahuli sa lambat.
Ang pawikan–o green sea turtle—ay may habang 100 centimeters, at may lapad na 96 cm.
Tinatayang ito ay 15 to 20 years old.
Agad namang ipinagbigay alam ni Robledo ang kaniyang nakita sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng naturang bayan.
Muling pinakawalan ang pawikan sa dagat.
(Faith Fojas, Jovi Montero and Angelica Gili – Eagle News Correspondents)