IBAJAY, Aklan (Eagle News) – Isang pawikan ang napadpad sa baybayin ng Aklan noong Linggo, July 30.
Sa pahayag ni PO2 Dennis Jabagat ng Ibajay PNP Station, natagpuan ng mangingisdang si Adreano Timbas ang pawikan na naipit sa lambat sa Brgy. Bugtongbato, Ibajay.
Tumitimbang umano ito ng 120 kilogram at may habang 49 na pulgada.
Dahil sa nanghihina na umano ang naturang pawikan, agad na ibinalik ito sa dagat ng taga-bantay dagat at mga rumespondeng pulis.
Samantala, nanawagan naman si Jabagat sa publiko na huwag patayin o hulihin ang mga endangered species katulad ng pawikan.
Eagle News Correspondent, Alan Gementiza