Pawikan, nahuli ng mangingisda sa Misamis Occidental

OROQUIETA CITY, Misamis Occidental (Eagle News) – Isang pawikan ang nahuli ng isang mangingisda noong Linggo, July 23.

Ayon kay Jade Lumasag,  agad niyang inireport sa Department of Environment and Natural Resources na nahuli niya ang pawikan noong Lunes, July 24, subalit walang taga-DENR ang dumating.

Noong Martes, July 25, ang City Environment and Natural Resources Office na ang umaksiyon.

Dinala agad ng CENRO sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pawikan.

Tinatayang aabot sa 20 kilos ang bigat, may habang 68 metros, at lapad na 58 metros ang nasabing hayop.

Jesivic Mira – Eagle News Correspondent, Oroquieta City, Misamis Occidental

 

Related Post

This website uses cookies.