MATI City, Davao Oriental — Green Sea turtle na pawikan ang natagpuan ng isang mangingisda sa karagatan ng Sitio Dakab, Barangay Mamali, Mati City, Davao Oriental na wala ng buhay kahapon, Mayo 23.
Ang nasabing pawikan ay may lapad itong 2.5 feet, 4.5 feet na haba at ang timbang ay hindi bababa sa 100 kilo.
Ayon kay Brgy. Chairman Johnny Bardon, nakita ang pawikan na palutang-lutang sa dalampasigan ng naturang sitio at agad naman itong ini-report ng nakakitang mangingisda sa kanilang barangay. Na agad namang inireport sa City Environment and Natural Resources Office.
Hanggang sa kasalukuyan at hindi pa rin matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito dahil wala naman itong sugat sa katwan.
Sa buong mundo ay may pitong uri ng Pawikan at lima rito ay sa Pilipinas lamang matatagpuan ito ay ang mga sumusunod:
- Green Sea Turtle
- Hawsbill Turtle
- Olive Ridley
- Loggerhead
- Leatherback Turtle
(Eagle News Service Daniel Gullos – Davao Correspondent)