(Eagle News) — Tutuparin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang layunin nitong tuluyan nang mawala ang iligal na droga sa taong 2022 bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, apat na lalawigan pa lamang ang idineklara ng PDEA na ‘drug cleared,’ kasama rito ang Batanes, Biliran, Bohol at Southern Leyte.
Ipinangako naman ni Aquino, bagaman mahihirapan ay tiniyak nya sa publiko na mayroon silang plano upang tuldukan na ang kalakaran ng iligal na droga sa bansa.