(Eagle News) — Magpapadala ang ruling party na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) ng kinatawan sa North Korea ngayong linggo.
Ayon kay Raul Lambino, PDP-Laban vice president for international affairs, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng party to party contact sa pagitan ng Manila at Pyongyang.
“This is strictly party-to-party diplomacy. The invitation was extended to us months ago, and we feel that this visit could not have come at a better time,” pahayag ni Lambino.
“We are hoping that this ground-breaking initiative will open new doors for further talks, and new opportunities for a more meaningful relationship between our two peoples,” ayon pa sa opisyal.
Ayon naman kay PDP-Laban President Aquilino “Koko Pimentel,” apat na miyembro ng delegasyon ay magtutungo sa North Korea sa Miyerkules, Hulyo 18 para makipag-ugnayan sa Worker’s Party of Korea.
Inaasahang lalagda sa isang memorandum of understanding (MOU) ang dalawang partido na magpapatibay pa sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Kabilang sa magiging delegasyon ay si PDP-Laban president for Visayas Lutgardo Barbo, PDP-Laban chair for public information Ronald Munsayac at mga vice chair ng partido na sina Raymundo Roquero at Evan Rebadulla.