PDRRMO Pangasinan naka-red alert sa paparating ng Bagyong Lawin

PANGASINAN (Eagle News) – Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng OCD Region 1 at ng mga local DRRMO dahil sa inaasahang paghagupit ng Bagyong Lawin. Kaugnay nito ay nag-deploy na ng mga rescue team mula sa Navy ang OCD Region 1, bilang bahagi ng preparasyon sa inaasahang epekto ng paparating na bagyo.
Naka-red alert na rin ang PDRRMO Pangasinan at inalerto na ang mga residenteng nasa mga mababang lugar, tabing ilog at tabing bundok dahil sa posibilidad ng landslide at pagbaha. Ayon sa OCD, malawak ang maapektuhan ng bagyong Lawin na may international name na haima at ito ay may 700 km diameter.
Dahil dito ay pinag-iingat ang publiko na gawin ang kaukulang paghahanda sa inaasahang paghagupit ng bagyo mamayang gabi hanggang bukas ng gabi ayon sa OCD.
Nora Dominguez – EBC Correspondent

This website uses cookies.