Isusulong ni incoming president Rodrigo Duterte ang dayalogo sa mga rebeldeng grupo, kabilang ang Communist Party of the Philippines o CPP at Moro National Liberation Front o MNLF.
Sinabi ni Duterte na nakipag usap siya kay Fidel Agcaoili, tagapagsalita ng National Democratic Front o NDF kagabi sa Davao City.
Nagkasundo aniya sila sa framework kung paano itutuloy ang usapang pangkapayapaan.
Una nang nagpahayag ng kahandaan si duterte na maka-trabaho ang mga komunista sa pamamagitan ng pagtatalaga sa mga miyembro nito sa gobyerno kabilang ang Department of Social Welfare and Development at Department of Enviroment and Natural Resources.