QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Ang tiwalang ibinagay ng pambansang pulisya sa mga militanteng grupo na nagprotesta sa katatapos na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging umano’y susi upang maging mapayapa ang nasabing SONA.
Ayon kay Quezon City Police District chief Police Senior Superintendent Guillermo Eleazar, naniniwala sila na dahil sa respeto at tiwalang ibinigay nila sa mga raliyista ay naiwasan ang marahas na engkwentro sa pagitan ng pulisya at mga militante.