Pelikulang “Felix Manalo” dinagsa ng mga manunuod sa iba’t-ibang sinehan sa buong bansa

Dinagsa sa iba’t-ibang sinehan sa buong Pilipinas ang pinakaa-abangang pelikula ng taon, ang “Felix Manalo”.

Sa unang araw pa lamang ng showing ng “Felix Manalo” ay sabik na sabik na dinagsa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang iba’t-ibang dako ng sinehan sa buong Pilipinas kasama ang kanilang pamilya at maging mga kaibigang naanyayahan na hindi pa kaanib sa Iglesia.

Ayon sa mga pamunuan ng sinehan, ang pagpapalabas ng pelikulang “Felix Manalo” ay labis nilang pinaghandan, lalong lalo na sa seguridad dahil nakita nila na malayo pa lamang ang pagpapalabas ng unang araw ay marami na ang nag-inquire at nagpareserve kaya’t inaasahan nila ang patuloy pang pagdagsa ng mga manunuod.

Maari din umanong abutin ng isang buwan ang showing ng “Felix Manalo” dahil maaga pa lamang ay nagpabooking na ang maraming mga kapatid sa iba’t-ibang sinehan sa buong Pilipinas.

Unang araw ng showing ng “Felix Manalo”, dinagsa

“Felix Manalo” movie, dinagsa din sa Olongapo City

Pelikulang “Felix Manalo”, dinumog ng mga manonood sa Batangas

Showing ng Felix Manalo, di malabong abutin ng isang buwan sa mga sinehan.

This website uses cookies.