Pelikulang “Swipe”, tumatalakay sa epekto ng labis na paggamit ng mga Social Media App

Isa na namang pelikula ang ihahandog ng VIVA films ngayong darating na Pebrero na pinamagatang “Swipe” mula sa Aliud Entertainment sa direksyon ni Ed Lejano.
Ang “Swipe” ay pinagbibidahan nila Meg Imperial, Luis Alandy, Maria Isabel Lopez, Gabby Eigenmann at Mercedes Cabral.

Ang istorya ng pelikula ay tungkol sa ibat-ibang uri ng tao na ibat iba ang uri katayuan sa buhay na kung saan ay mababago ang kanilang buhay dahil sa social media at internet.
Sa pelikula, naghahanap ang mga karakter ng kanilang perfect match sa pamamagitan ng paggamit ng dating apps at social media sites, pinarating din na mensahe ng pelikula na dahil sa ganitong gawain ay marami din ang napapahamak dito.

Ayon kay Direk Ed Lejano nais maiparating ng pelikula sa mga kabataan kung ano ang mga posibleng mangyari kapag nakipagkita ng personal sa mga tao na na-meet lang sa pamamagitan ng internet, ang pelikula din umano ay magsisilbi babala para sa mga kabataan.

This website uses cookies.