PET, kukuha ng contractual workers para sa kahilingan ni dating Sen. Marcos sa VP poll recount

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kukuha ang Korte Suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal ng animnapung contractual workers para sa recount ng mga boto kaugnay sa election protest ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Kabilang sa mga ito ay mga finance consultant, secretary, ballot box handler, custodian, copy machine operator, utility worker/messenger, locks custodian, driver, tabulator at data encoder.

Tatanggap sila ng sahod na nagkakahalaga ng 14,586 hanggang 30 thousand pesos.

Kasabay nito inaprubahan ng tribunal ang pag-amyenda sa 2010 PET rules para payagan ang isang non- lawyer na maging kuwalipikado sa posisyon ng coordinator ng revision committees at pag-otorisa sa pagpunan sa posisyon ng recorder.

Inumpisahan na ng Commission on Elections (COMELEC) noong Oktubre ang decryption at printing ng ballot images mula sa tatlong pilot provinces para sa recount ng mga boto.

Related Post

This website uses cookies.