Peter Lim, iniimbestigahan na ng CIDG

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Sinimulan na ng Criminal Investigation and Detection Group-Central Visayas (CIDG-7) ang pag-iimbestiga sa negosyanteng si Peter Lim.

Matatandaang dati nang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lim bilang isa sa mga pinakamalalaking drug lords sa bansa.

Ayon kay CIDG-7 Director Supt. Royina Garma, nagsasagawa na sila ng complete background at financial investigations kay Lim alinsunod sa utos ng mga nakatataas sa kanila.

Inaasahang may ipapadala nang subpoena kay Lim sa linggong ito para atasan siyang personal na humarap sa Department of Justice (DOJ) na nangunguna na sa imbestigasyon laban sa kaniya.

Oras na makahanap ng sapat na ebidensya laban kay Lim, sasampahan na siya ng kaso at maari ding ipapa-freeze ang kaniyang mga pera at ari-arian.

 

Related Post

This website uses cookies.