(Eagle News) — Tumangging magpasailalim sa drug test ang hinihinalang drug lord na si Peter Lim.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) spokesman Ferdinand Lavin, ipinaalam ni Atty. Ramon Esguerra na ayaw munang magpa-drug test ng kanyang kliyente.
Sinabi ni Lavin, na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng NBI si Lim sa pangunguna ni Anti-illegal Drugs Division head Joel Tovera.
Isa si Lim sa mga pinangalanan ni pangulong Duterte na umano’y miyembro ng drug syndicate sa bansa.