MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinag-aaralan na ng Department of Justice ang petisyon na ihahain sa regional trial court upang gawing legal ang deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na teroristang grupo na ang New People’s Army.
Naglabas ng Department Order No.779 ang kalihim na nag-aatas sa Office of the Prosecutor General na magsumite ng karampatang petisyon sa korte kaugnay sa nasabing deklarasyon.
Ito ay ayon sa isinasaad ng RA No. 9372 o ang Human Security Act of 2007.
Inamin ng kalihim na maingat nilang inihahanda ang kanilang petisyon na gagawin.
Bahagi ng kanilang preparasyon ang paghingi ng tulong sa intelligence community
“Our DOJ prosecutors led by the head of task force, Prosecutor Peter Ong, has been meeting with the intelligence people katulad ng NICA (National Intelligence Coordinating Agency), ISAFP (Intelligence Service Of The Armed Forces Of The Philippines) and other intelligence agencies of the government,” pahayag ni Aguirre.
Kasabay nito naniniwala ang kalihim na pagbibigyan ng korte ang kanilang petisyon sa pagdedeklara bilang terorista ang rebeldeng grupo.
(Erwin Temperante, Eagle News Service)