(Eagle News) — Handa ang Philippine Embassy sa Syria na tulungan ang mga Filipino na nagnanais na umuwi sa Pilipinas sa kabila ng nagpapatuloy na gulo sa naturang bansa.
Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sinabing nagkaroon na ng pagpupulong ang embahada sa pangunguna ni Charge D’ Affaires Alex Lamadrid at ang kagawaran upang tingnan ang sitwasyon sa Syria.
Sa kabila ng napaulat na pagsuko ng mga rebelde ay pinayuhan pa rin ng embahada ang halos 500 Filipino sa Damascus na manatiling nasa kanilang mga tahanan at iwasan ang pagbiyahe.
Dahil dito, ipinahayag ni Lamadrid sa mga miyembro ng Filipino community na handa sila sa repatriation ng mga gustong umuwi na ng Pilipinas.
Kamakailan lamang ay binomba ng Syrian military ang natitirang stronghold ng Islamic militants sa Damascus.