Phil. Health Kalinga at Tabuk City RHU patuloy sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan

8b9b3fc6-d6b6-4c5a-92fc-0f089c965205

TABUK CITY, Kalinga (Eagle News) – Sa pamamagitan ng temang “Alaga Ka para sa Maayos na Buhay,” patuloy ang Phil. Health Kalinga sa pagbibigay serbisyo sa mga barangay na sakop ng Tabuk City, Kalinga.

Pangunahin sa mga binibigyan nila ng serbisyo ang mga buntis kung saan ay ginagabayan sila kung paano makaka-avail ang mga wala pang Phil. Health. Maturuan naman ang mga mayroon na kung ano ang mga benipisyong medical na kanilang makukuha.

Nagkaloob din ang Phil Health ng libreng serbisyong medical katuwang ang mga RHU worker. Ayon kay Miss Lea Angelica Velo RHU Nurse, magtutuluy-tuloy ang aktibidad na ito at sisikapin nila na marating ang lahat ng mga barangay sa Tabuk upang magkaloob ng serbisyo sa mga residente.

JB Sison – EBC Correspondent, Tabuk City, Kalinga