(Eagle News) — Maaari nang mag-apply para sa PhilFrance scholarship program ang mga Pilipinong nais mag-aral at magsagawa ng research sa France.
Lahat ng mapipili ay mabibigyan ng tuition subsidy na hindi lalampas sa 10,000 euros, 615 euros allowance at health-care package.
Ang application para sa mga programa ay tatanggapin hanggang alas-kwatro ng hapon sa April 13.
Target ng French embassy ang mas maraming Pilipino na mag-aral sa France at umaasang makatanggap ng mas maraming application ngayong taon.
Nitong 2017, 35 aplikante ang pinili ng French embassy para sa mga programa.