TARLAC CITY, Tarlac (Eagle News) – Mahigit 7000 katao ang pinagkalooban ng PhilHealth card sa Tarlac City.
Ayon sa mga opisyales ng nasabing ahensya, nito lamang nakaraang araw ay naipamahagi nila sa mga nangangailangan ang mahigit 20000 PhilHealth cards.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng PhilHealth, lokal na pamahalaan ng Tarlac City at ni Dra. Carmela Go, city health officer.
Nagpasalamat naman ang LGU-Tarlac City maging ang mga nakinabang sa PhilHealth dahil sa kanilang pinagkaloob sa mga ito.
Malaki umanong tulong ito sa kanila dahil hindi nila umano kayang tustusan ang mga gastusin kung sakaling magkasakit ang mga ito at ma-ospital.
Samantala, dumagsa naman ang mahigit 3000 katao na may kapansanan sa pandinig mula sa iba’t ibang lugar sa Tarlac City.
Ito ay upang sila ay makapagpatingin at makapagpagawa ng hearing aid.
Dito ay may mahigit 700 naman ang nabibiyayaan ng hearing aid mula sa isang pribadong organisasyon.
Ang ibang hindi pa kailangang gumamit ay binigyan na lang ng gamot at pinayuhan na lang ng mga doctor.
Nagpasalamat naman ang mga nakinabang sa hearing aid na ito na nagkakahalaga sa kabuuan ng P200,000.