DAVAO CITY (Eagle News) – Inanunsyo ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang successful birth ng kanilang ika-28 eaglet mula sa Philippine Eagle Foundation conservation breeding program sa Malagos, Baguio District, Davao.
Ayon kay PEF Executive Director, Dennis Salvador, ang eaglet umano ay na hatched na may minimal assistance noong November 4, matapos ang 56 na araw na incubation. Sa kasalukuyan ay nasa 5 to 6 inches tall na aniya ito at tumitimbang ng 488.3 grams.
Ang pasilidad ng Philippine Eagle Foundation ay dedicated para sa breeding at education. Kilala rin ito bilang isa sa mga importanteng tourist destination sa Davao.
Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City