PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nagtatag ng Philippine Marine Turtle Protected Area Network sa Palawan noong ika-6 ng DIsyembre.
Kabilang sa lumagda sa memorandum of agreement na naglalayong magkaroon ng ligtas na kanlungan ang mga pawikan sa Sulu-Sulawesi Seascape ay ang El Nido-Taytay Managed Resource Protected Area at Tubbataha Reefs Natural Park.
Matatandaan na ang dalawang nabanggit na protected area ng Palawan ay nakapaloob sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act.
Ang naturang paglagda ay isinagawa sa Governor’s Conference Room ng gusaling Kapitolyo.
Ang paglagda ng gobernador ay sinaksihan ng kinatawan ng Provincial Environment and Natural Resources, ng Palawan Council for Sustainable Development at mga representante mula sa GIZ-Sulu-Sulawesi Seascape Project at Conservation International.
(Eagle News Correspondent – Rox Montallana)