(Eagle News) — Maaari nang makita sa mga selyo ang mga magagandang tanawin ng bansa.
Ito’y matapos na makalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na tinatawag na Philippine Tourism Stamps Act.
Sa pamamagitan nito, mandato na mag-imprenta ang PHLPost o Philippine Postal Corporation ng mga stamp o selyo na ipinapakita ang mga patok na atraksyon sa bansa.
Maliban rito, inaatasan rin ang paglalagay ng mga poster at promotional material sa mga strategic na lugar sa bansa at sa abroad para mai-promote ang Pilipinas bilang world-class tourist destination.
Nilalaman din ng bill na magiging katuwang ng PHLPost ang Department of Tourism at Tourism Promotions Board sa disenyo ng magiging selyo.