(Eagle News) — Sinampahan ng Bureau of Internal Rrevenue (BIR) ng kasong tax evasion ang kumpanyang Philrem Service Corporation.
Ang Philrem ay ang kumpanyang nadawit sa $81-million money laundering scheme sa perang ninakaw mula sa Bangladesh Bank
Isinampa ng BIR ang kaso sa Department of Justice laban sa Philrem at sa mag-asawang may-ari nito dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P35. 61 million.
Partikular na kinasuhan sina Philrem president Salud Bautista at ang treasurer nito na si Michael Bautista.
Paliwanag ng BIR na may nangyaring “mis-representation” umano sa panig ng Philrem dahil sa pag-o-operate nito bilang isang “remittance firm” gayong land transport company ang registration papers nito noong taong 2005.
Binago rin anila ng Philrem ang “nature of business” nito sa Securities and Exchange Commission pero bigo namang mabago sa registration nito sa BIR.