(Eagle News) — Mahigpit na nakabantay ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos kakitaan ng panibagong aktibidad ang Bulkang Mayon noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Director Renato Solidum, hindi naman nila ibinaba ang alert level 2 sa bulkan kahit pa tumigil na ito sa pagsabog noong buwan ng Marso.
Paliwanag ni Solidum, nagpapakita pa rin kasi ng senyales ang bulkan gaya ng pamamaga ng dalisdis nito at pagbuga ng gaas na naobserbahan noong nakalipas na linggo.
Dahil dito, mahigpit na ring ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagtungo sa tuktok ng Bulkang Mayon.
https://youtu.be/fqFukCGsWTI