PHIVOLCS, naglatag ng paraang dapat gawin ng publiko para makaiwas sa pinsala ng lindol

By Erwin Temperante
Eagle News Service

(Eagle News) — Pagsunod sa Philippine Building Code, pagpapakita ng pinsalang maaring idulot ng malakas na lindol at paghahanda sa mga dapat gawin sa panahon ng lindol.

Ito ang tamang tandaan at gawin ng isang residente upang makaiwas sa posibleng aksidente sa pagtama ng sinasabing “The Big One” o ang magnitude 7.2 na lindol na inaasahang anumang oras maaring mangyari ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology  Director Renato Solidum.

Sa kasalukuyan kulang aniya ang imagination scenario kung kaya’t hindi alintana ng marami ang pagtama ng malakas na lindol mula sa paggalaw ng West Valley Fault.

Ang katunayan nito maraming mga bahay na itinatayo na hindi sumusunod Building code ng bansa dahil nakadisenyo ito at kayang tumayo sa magnitude 8 na lindol.

Sabi ni Director Solidum, anim na pulgada ng hollow blocks at 10mm na kapal naman ng bakal  ang dapat na ginagamit sa mga karaniwang bahay, pero sa reyalidad umano marami pa rin ang gumagamit ng mas maliit ng sukat ng hallow block at bakal upang makatipid.

Sa pag-aaral ng PHILVOLCS aabot sa 48,000 ang maaring masawi kapag tumama ang “The Big One” o kapag gumalaw na ang West Valley Fault, posible anilang tatlumpung libo ang masawi sa Metro Manila habang ang libu-libong residente rin ng mga kalapit na probinsya gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna At Rizal dahil tumatagos ang West Valley Fault sa mga naturang lalawigan.

Ayaw  ng PHILVOLCS na mangyari ang ganito kalalang sitwasyon ng bansa, hindi sapat na naipapaalam lang sa publiko ang pagtama ng  malakas na lindol kundi dapat paulit-ulit na ginagawa ang mga paghahanda gaya ng mga earthquake drill upang maging pamilyar ang publiko sa mga dapat ginagawa sa oras ng kalamidad.

Pero paglilinaw ng mga otoridad walang kaugnayan ang mga naganap na sunod-sunod na lindol sa Batangas at Mindanao, sa tala ng pHILVOLCS nasa dalawangpung lindol ang kanilang naitatala araw-araw at hindi ito magkakaugnay.

Hindi rin aniya batayan ang sunod-sunod na lindol para sabihin na susunod na ang kinakatakutang The Big One.

Ngunit ayon din sa PHILVOLCS posibleng mangyari ito sa ating panahon dahil halos kada-apat na raang (400) taon gumagalaw ang West Valley Fault at huling gumalaw ito noong 17th century.

https://youtu.be/cC8P_wZvLnQ