(Eagle News) — Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko na posibleng magdulot ng tsunami sa baybayin ng Pilipinas.
Ito ay matapos ang malakas na lindol na tumama sa Alaska.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol na may lakas na magnitude 6.5 ay tumama sa Andrean Islands at Aleutian Islands sa Alaska, alas 5:57 ng umaga ng Huwebes, Agosto 16, oras dito sa Pilipinas.
Unang itinala ng US Geological Survey ang naturang lindol sa lakas na magnitude 6.6.
Ayon sa USGS tumama ito sa 41 kilometers south ng Tanaga Volcano.