(Eagle News) — Sisimulan na ng Japan at Pilipinas ang pagdidisenyo sa P227-billion na Mega Manila subway sa Nobyembre.
Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang Mega Manila subway ang itinuturing na project of the century sa Pilipinas.
Sa Nobyembre aniya sisimulan na ang pagdidisensyo kasabay ng pagtungo sa bansa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations Summit.
Dagdag pa ni Pernia, tatalakayin ang detalye ng nasabing proyekto sa susunod na National Economic And Development Authority (NEDA) board meeting sa susunod na buwan.
Ang Mega Manila subway ay dalawampu’t limang kilometrong underground mass rail system na kokonekta sa mga pangunahing business districts at government centers.
Inaasahang nasa 370 thousand na pasahero kada araw ang ma-a-accommodate nito.
Sa taong 2024, inaasahang matatapos ang nasabing subway train line.