PHL, handang makipagtulungan sa Amerika, China at Russia kontra terorismo

(Eagle News) — Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika, China at Russia na magtulong-tulong sila para kontrahin ang bantang nuclear war ni North Korean Leader Kim Jong Un.

Sa kanyang pagbisita sa Australian ship na Her Majesty’s (HMAS) Adelaide, sinabi rin ng Pangulo sa Australian Navy na bantayang maigi ang lider ng North Korea.

“I hope that in the coming days, we could stay together, especially the alliance between us…the Philippines, America, and even China…that is why we reiterate our full support to our Australian friends, [even] Malaysians [we need] to show to this guy that he has to stop threatening the world because he runs the risk of being destroyed first,” pahayag ni Pangulong Duterte.

“Nuclear bombs, nuclear arms, will destroy Southeast Asia immediately. Nuclear bombs result in devastation. There will be chaos and hunger. We have to make sure that we stand ready to help each other; that people [can] come over here to seek cover,” aniya.

Muling iginiit ng Pangulo na tanging ang China lamang ang bansang makakapigil sa planong paglulunsad ng nuclear war ng North Korea.

Sa kaniyang naging talumpati ay ibinahagi rin ng Pangulo ang nararanasang terror attack sa Pilipinas.

“We’re also suffering a severe case of terrorism, we are coping up. We also hope it will be finished in about one week,” paghahayag ng Pangulo.

Samantala, pinatawan na ng global port ban ng United Nations (UN) ang apat na barko ng North Korea.

Ang port ban ay nakapaloob sa pinagtibay na UN Security Council Resolution 2375 kasunod ng naganap na missile test ng Pyongyang na dumaan sa himpapawid ng Japan.

Isa sa apat na barko ng NoKor na sakop ng Global Port Ban ay nahuli noong 2016 na nagpupuslit ng tatlumpong libong North Korean made rocket propelled grenades.

Kabilang sa mga barkong pinatawan ng sanction ay ang Jie Shun, Hao Fan 6, Petrel 8 at Tong San 2.

https://youtu.be/BoLbVtFxRhk