Labing isang mga bansa kabilang ang Pilipinas bilang host country ang naglaban laban sa naganap na 2016 Asean Plus Three Junior Science Odyssey (APTJSO).
Humakot ng labinlimang medalyang ginto ang Pilipinas, Overall Second at Third Places ang dalawang team mula sa Philippine Science High School Central Visayas at Cagayan Valley Campus sa ibat’ibang component contest.
Ang APTJSO ay isang annual educational competition sa larangan ng science and technology para sa mga estudyanteng may edad 13 hanggang 15 mula sa ASEAN Plus Three regions.
Sa taong ito ang mga lumahok ay ang mga bansang China, Indonesia, South Korea, Philippines, Cambodia, Chinese Taipei, Sweden, Malaysia, Vietnam, Thailand at Brunei na sa kauna unahang pagkakataon sa loob ng limang taong pagsali sa competition ay grand champion sa taong ito.
Hangad nitong lalong mahasa ang mga estudyante na gifted in science at makalikha ng mga future scientist and engineers.