PHL, humakot ng parangal sa ASEAN Energy Awards 2017

(Eagle News) — Humakot ng parangal ang Pilipinas sa katatapos na ASEAN Energy Awards night 2017 kaugnay pa rin ng isinasagawang 35th ASEAN Ministers on Energy Meeting ngayong linggo.

Ginawaran ang walumpu’t-anim na kumpanya at mga indibidwal dahil sa kanilang kontribusyon sa larangan ng renewable energy, energy efficiency at conservation, at coal resource utilization at development.

Iginawad ang mga award na ASEAN Coal Awards 2017; ASEAN best practices competition for Energy Management in Buildings and Industry; ASEAN best practices Competition for Energy Efficient Buildings; ASEAN best practices Competition for Green Building; Renewable Energy Competition Project; at ang panghuli ay ang ASEAN Excellence in Energy Management by Individual.

Dahil dito nakahakot ng apat na parangal ang Pilipinas bilang pagkilala sa naging kontribusyon nito sa ASEAN Region upang makatulong sa pagpapalago ng renewable energy gayundin sa sustainable energy resources.

Ang kahalagahan ng teknolohiya sa energy efficiency at conservation ay inilahad sa pulong.

Binigyang diin ni Energy Secretary Alfonso Cusi  ang importansya ng teknolohiya para sa energy efficiency at conservation na may akmang makabagong ideya at malakas na police framework.

Aniya nagsasama-sama ang ASEAN hindi lamang sa energy security at accessibility kundi pati na rin sa pagpapalakas at pagpapatatag nito.

(Eagle News Service, Earlo Bringas)

Related Post

This website uses cookies.