PHL ID System Act, inaasahang makatutulong kontra red tape sa gobyerno

(Eagle News) — Inaasahan ng malakanyang na makakatulong ang Philippine Identification System Act upang magkaroon ng transparency at epektibong sistema sa gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ganitong paraan mahihirapan na ang mga masasamang loob na makagawa ng fraud.

Sa ilalim ng Philippine Identification System Act, iisang ID na lamang ang kinakailangan na ipakita sa mga transaksyon sa gobyerno at milyun-milyong Filipino ang tiyak na makikinabang dito.

Bahagi ito ng layunin ng Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang red tape sa gobyerno.