PHL, malabo pang maging rice self-sufficient – Pangulong Duterte

(Eagle News) — Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na malayo pa na marating ng Pilipinas ang pagiging rice self sufficient.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa harap ng mga magsasaka sa lalawigan ng Sultan Kudarat habang namamahagi ng mga certificate of land ownership.

Sinabi ng Pangulo hangga’t walang sapat na lupa na masasaka malabo pa ang pangarap na maging rice self-sufficient ang bansa.

Agri-sector at Agrarian reform, dapat palakasin

Ayon pa sa Pangulo kinakailangan palakasin pa ang sektor ng agrikultura at repormang agraryo.

Dahil dito inatasan ng Pangulo ang Department of Agriculture at Department Of Environment And Natural

Resources na ipamahagi ang mga nakatiwangwang na lupa ng gobyerno sa mga magsasaka upang mapagtaniman ng palay at iba pang agricultural products.

Naniniwala ang pangulo na darating ang panahon na magiging rice self sufficient ang bansa dahil isang agricultural country ang Pilipinas.

Related Post

This website uses cookies.