PHL, may sapat na suplay ng asukal – SRA

(Eagle News) — Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na may sapat na suplay ng asukal ang bansa sa kasalukuyang taon.

Sinabi ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica, tiwala siyang maaabot ng produksyon ang local demand ng bansa ngayong anihan.

Ang crop year ng asukal ay nagsisimula sa Setyembre 1 at magtatapos naman sa Agosto 31 ng susunod na taon.

Bagaman tiniyak ang suplay ng asukal, isa aniya sa nakikitang problema ngayon ng industrya ang kakapusan ng mga nagtatabas ng tubo o cane cutters na magdadala ng produkto sa milling.

Aminado si Serafica na lumilipat ng trabaho ang mga taga-tabas ng tubo nang simulan ng pamahalaan ang ‘Build, Build, Build’ program nito.

Related Post

This website uses cookies.