MANILA, Philippines (Eagle News) — Umabot sa mahigit 6 na milyong dayuhang turista ang dumagsa sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Batay sa nakalap na datos ng Department of Tourism (DOT), umabot sa 6.6 milyon na foreign tourists ang bumisita sa Pilipinas.
Noong January 2017, naitala ang pinakamaraming dayuhan na bumisita sa bansa—mahigit 620,000—habang pumangalawa ang buwan ng Disyembre na umabot naman sa mahigit 600,000 turista.
Mas mataas ito ng 11 porsyento kumpara sa dami ng mga turistang dayuhan na nagtungo sa bansa noong 2016 na umabot sa mahigit 5,000,000.
Itinuturing ito ng DOT bilang all-time high record.