PHL Navy magdadagdag ng puwersa sa Mindanao kontra ASG

(Eagle News) — Magpapadala ng karagdagang sea assets at mga tauhan ang Philippine Navy sa Naval Forces Western Mindanao para tumulong sa laban sa Abu Sayyaf Group at mapigilan ang serye ng pagdukot sa seafarers malapit sa  Malaysian at Indonesian border.

Ayon kay Navy Flag-Officer-in-Command, Rear Admiral Ronald Mercado,  tatlumpung (30) speedboats ang idedeploy upang tumulong sa AFP-Western Mindanao Command.

Magpapatrol ang karagdagang speedboats sa Tawi-tawi at Sulu kung saan kadalasang nagaganap ang mga kidnapping  incident.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang dalawamput anim (26) na bihag ang bandidong grupo kabilang ang anim na Filipino.

Related Post

This website uses cookies.