PHL, pinaka-positibong bansa – survey

 

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nanguna ang Pilipinas bilang pinaka-positibong bansa sa quarterly survey ng Nielsen Global Survey of Consumer Confidence and Spending Intentions.

Sa naturang survey, naungusan ng Pilipinas ang may 63 bansang kasali sa survey, makaraang makakuha ito ng 132 optimism score.

Ipinaliwanag ng Nielsen na all time high na maituturing ang kumpiyansa ng mga tao sa Pilipinas na indikasyon ng pagkakaroon ng bansa ng 6.9 gross domestic product (GDP) para sa unang bahagi ng taon at pagturing dito bilang isa sa fastest growing economies sa Asya.

Sinabi pa ng Nielsen na nakatulong ng malaki ang resulta ng nagdaang eleksyon sa bansa kung saan tumibay aniya ang consumer sentiment ng mga pinoy lalo’t ang ekonomiya ng bansa ay nakadepende halos sa pagkonsumo.