MANILA, Philippines (Eagle News) — Ang pilipinas ang bansang nasa pinaka-mababang pwesto kung saan hindi masaya ang mga driver.
Batay sa Driver Satisfaction Index ng Waze, isang traffic navigation application, nasa ika-trenta nuwebeng (39) pwesto ang bansa na siyang pinaka-mababa sa isinagawa nilang survey na nag-a-analyze sa driving experience ng mga driver.
Kabilang sa mga katergorya ang matinding traffic, kalidad ng mga kalsada at imprastruktura, gas stations, madaling pag-parking at epekto ng presyo ng langis.
Nanguna sa listahan ang the netherlands, kung saan pinaka-masaya ang mga driver, habang ang malaysia naman ang nanguna sa Southeast Asia.
Kabilang naman sa bottom 5 ang Dominican Republic, El Salvador, Indonesia at Russia.