Photo exhibit ng Iglesia Ni Cristo sa Compostela Valley, inilunsad

COMPOSTELA Valley, Philippines (Eagle News) – Kaugnay ng pagdiriwang ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa unang Anibersaryo ng pagkakatatag ng Distrito ng Compostela Valley ay isinagawa nila ang photo exhibit sa isang malaking mall na matatagpuan sa Nabunturan, Compostela Valley Province. Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng ribbon cutting na pinangunahan ni Bro. Phil L. Campos, Sr, District Suppervising Minister ng Compostela Valley.

Ang nasabing photo exhibit ay hindi lamang para sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo kundi pati na rin sa mga hindi kaanib nito na gustong malaman kung papano lumago ang INC sa lalawigang ito. Makikita sa mga lawaran ang iba’t-ibang aktibidad na inilunsad ng mga kaanib sa lalawigang ito tulad ng Lingap-Pamamahayag, socializing, Unity Games, medical mission at iba pa. Makikita rin ang mga gusaling sambahan sa iba’t ibang lokal na sakop ng nasabing distrito.

Ayon sa manager ng nasabing mall na si Rapney Gem Bolinas, siya ay namangha dahil naipakita sa publiko kung anu-anong mga aktibidad ang naisagawa na ng mga kaanib ng INC sa Distrito ng Compostela Valley sa loob lamang ng isang taon. Dagdag pa niya na ang mga nasabing aktibidad ay kitang-kita ang tagumpay.

Pinangunahan ng mga kabataang INC (Kapisanang KADIWA at Binhi) ang pag-aayos ng dako para sa Photo Exibit. Sinimulan ang nasabing aktibidad kasabay ng pagbubukas ng Mall at natapos din ng ito na ay magsarado sa gabi.

Sa kabuuan ay matagumpay na naisagawa ang nasabing aktibidad at lahat ay nasa kaayusan. Ang tagumpay na ito ay kinilala ng mga kaanib ng INC na galing sa Panginoong Diyos.

Courtesy: Joni Romblon, Blessy Sumbi at Gil Dano – Compostela Valley Correspondent

 

Related Post

This website uses cookies.