PHP1.5 milyong halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa Bongao, Tawi-tawi

Ang suspek na si Badang Awang Abdul na naaresto ng mga tauhan ng PDEA at PNP Special Action Force. /Emilio Enot/Eagle News Service/

BONGAO, Tawi-tawi (Eagle News) – Nabawi ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9 at PNP Special Action Force ang shabu na nagkakahalaga ng 1.5 milyon pesos sa isinasagawang buy bust operation sa Tawi-tawi kamakailan.

Pinangalan ni PDEA Regional Director-9 Lyndon Aspacio ang suspek na si Badang Awang Abdul, may asawa at nakatira sa naturang lugar.

Bukod sa shabu, nabawi din ng PDEA9 ang tatlong libong piso na marked money na ginamit sa nasabing operasyon sa Sitio Lungan Guitong, Lasagan, Bongao.

Kinasuhan si Abdul dahil sa paglabag sa section 5 o selling of illegal drugs at section 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Emilio Enot – Eagle News Correspondent