PHP2B na pondo, nakalaan na para sa national ID system: solon

(Eagle News) — Naglaan na si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang bilyong pisong pondo mula sa 2018 national budget na nagkakahalaga ng 3.7 trilyong piso.

Ito ang kinumpirma ni Rep. Sol Aragones, na nangunguna sa Committee on Women and Family Relations sa Kamara na nagpasa ng nasabing priority measure.

Ang ibig sabihin nito ay maaaring ipatupad na ang national ID system sa susunod na taon.

Ayon kay Aragones, makakatulong ang national ID system–na tatawaging FIL SYS—para mapabilis ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayang Pilipino.

Sa pamamagitan kasi ng iisang ID ay makakapagsagawa na ng iba’t ibang klase ng transaksyon sa gobyerno ang mga Pilipino sa ilalim ng batas

 

Related Post

This website uses cookies.