MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinimulan na ng Department of Budget Management (DBM) ang budget preparations para sa susunod na taon kahit kasisimula pa lang ng 2018.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, aabot sa record high na 4.2 trillion pesos ang budget para sa 2019.
Mas mataas ito ng 11.5 percent sa naaprubahang 3.76 trillion pesos para ngayong taon na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon lang December 19, 2017.
Inilabas na ng kagawaran ang budget call para sa 2019 noong January 3 sa ilalim ng National Budget Memorandum No. 129, na bumabalangkas sa budget preparation guidelines and procedures.
Sa pamamagitan nito ay bubuuin ng bawat ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga budget proposal para sa 2019.