P6 milyong halaga ng donasyon, nakalap para mga nasalanta ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon

(Eagle News) – Aabot na sa mahigit Php 6 na milyon ang donasyon na nakalap ng Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) ng Albay.

Ayon kay Dr. Eva Grageda, officer-in-charge ng PSWDO, kabilang sa mga donasyon na kanilang tinanggap ay 150 na sako ng NFA rice, 5,500 family food packs, 11,000 piraso ng malong, 600 na kumot, 600 mats at mga gamot.

Samantala, maliban sa mga donasyon na direkta nilang tinanggap, mayroon ding mga donasyon na ipinamahagi na ng mga donor sa evacuation centers.

Inaanyayahan naman ng PSWDO ang lahat pa ng mga gustong tumulong sa kanila na makipag-ugnayan sa kanilang opisina at tumawag sa kanilang numero na 742 6101.

Related Post

This website uses cookies.