Pilipina OFW sa Kuwait, nais makauwi sa PHL

MANILA, Philippines (Eagle News) — Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na tubong Capiz ang umaapela ng tulong sa gobyerno upang makauwi na sa Pilipinas dahil sa tangkang panggagahasa ng anak ng kanyang employer.

Kinilala ang OFW na si Ma. Elvie Ordas, isang domestic helper sa Kuwait.

Kuwento ni Ordas, ilang beses na umano tinangkang pasukin ng anak na lalaki ng kanyang employer ang kaniyang kuwarto.

May pagkakataon din umanong pinapakitaan ito ng maseselang bahagi ng katawan ng isa pang anak na lalaki ng kanyang employer.

Ilang beses na umano nitong isinumbong ito sa kanyang employer pero sa halip ay siya pa umano ang pinagalitan.

Humingi na ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) si Ordas ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin aniya itong naririnig na aksyon mula sa ahensya.

Oktubre ngayong taon magtatapos ang kontrata ni Ordas pero ngayon pa lang ay nais na umano nitong makauwi sa bansa bago pa ito mapahamak.

Related Post

This website uses cookies.