MANILA, Philippines (Eagle News) — Isang babaeng piloto mula sa Philippine Air Force ang napili na makapasok sa Aviation Leadership Program (ALP) na isang scholarship program ng United States Air Force para sa mga piling opisyal sa buong mundo.
Siya si Second Lieutenant Catherine Mae Gonzales, ang kauna-unahang babaeng piloto mula sa Philippine Air Force.
Ayon sa US Embassy, ang scholarship program ay binubuo ng 164 oras na flight training sa T-6A Texan II aircraft, at 239 oras na flight operations ground training.
Layon ng ALP na hubogin ang mga lider sa US Air Force at iba pang Air Force sa buong mundo, gayundin ang pagpapa-igting ng ugnayan ng Amerika sa ibang bansa.
Si Gonzales ay kabilang sa PMA class ng 2017 na tubong Zamboanga.
Ang Zamboanga Siege noong 2013 sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nagsilbing inspirasyon ni Gonzales para makamit ang kanyang pangarap na maging piloto.
Ayon kay Gonzales, karangalan niya na katawanin ang Pilipinas para sa nasabing programa, simula na rin aniya ito ng pagbabago at mabigyan ng pagkakataon ang mga babaeng opisyal na manguna sa military profession. Pia Okut