TANAY, Rizal (Eagle News) – Muling nagsagawa ng joint military exercise ang mga sundalong Pilipino at Australyano sa Tanay, Rizal.
Ito ay bilang bahagi ng pagpapalakas sa urban warfare capabilities ng Pilipinas at Australia.
Partikular na lumahok sa aktibidad ang mga tropa mula sa bagong organisang 92nd Infantry Battalion, Land Advisory Team ng Joint Task Group 629 at Australian Defense Force.
Ayon kay Maj. Gen. Rhoderick Parayno, commander ng 2nd Infantry Division, layunin din ng training na palawakin ang kaalaman at taktika ng mga sundalo sa urban operations at patatagin ang bilateral relations ng dalawang bansa.