(Eagle News) – Balik Panatag Shoal ang mga mangingisdang Pilipino sa kabila ng mga namataang Chinese Vessel sa paligid ng lugar na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands.
Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa unang anibersaryo ng tagumpay ng Pilipinas laban sa China matapos ang paborableng desisyon ng International Court of Arbitration sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat resolbahin ang territorial dispute sa mapayapang hakbang.
Ipinagtanggol naman ni Cayetano ang paraan ng administrasyong Duterte sa pakikisalamuha sa China na nagresulta sa independent foreign policy ng gobyerno.